Reaction Paper : Realization from the
Issue of Hacienda Luisita
Di ko maintindihanbakit kung sino pa ang naghihirap siya pa ang lalong pinahihirapan at kung sino na ang mayaman ito pa ung mga taong mapagdamot at masyado silang gahaman at gusto nila sila lang ang madaming pera anu ba problema bakit ba tila napapaikot tayo ng pera. Hindi na ba nila naisip na marami rin ang nagugutom na ung mga magsasaka na yon ilang araw silang nakayoko nagtatanim para sa atin tapos sila ang hindi nila kayang bigyan ng respeto . Kung sa totoo lang sila ang mas mahirap ang ginagawa subalit sila naman ang sinasaktan niloloko at mas pinahihirapan bakit ganun ? sila ang rason kaya nakakakain tayo araw araw tapos sila pa ang niloloko at pinapatay? nasan ang respeto natin sa mga magsasaka ? Nasaan? bakit di natin sila respetuhin kung wala sila ano ang kakainin mo ? kung wala sila sa palagay mo ba kakayanin mo?
Sila ang mga taong dapat binibigay ang kanilang mga gusto unang una sa lahat ang lupang kanilang pagsasakahan at ang trabaho kanilang pinambubuhay sa kanilang sarili at sa mga taong mga mahal nila dahil di iyon para sa kanila di iyon para sa pera na gusto nilang makuha para iyon sa pagkain ng buong bansa para iyon sa mga ibang taong kailangan kumain . Di ba naisip ng mga makasiriling mga Cojuangco na kailangan ng mga magsasaka un para rin sa atin
Ayon sa aking nalaman sa aking nanay na mapagsarili ang mga Cojuangco sapagkat wala silang pakielam kung makapatay man sila o kaya naman may masaktan . Ayon sa pinaka latest na balita na pinatangal ni Pangulong Benigno Aquino III na pinatangal niya si Corona sapagkat gusto lang naman ni Corona na ipamahagi ang lupa sa mga taong may nagkakailangan nito pero di ito pinayagan ng ating pangulo . Sana naman magisip ang mga Cojuangco kalangan ba nila idaan sa dahas lahat ng bagay para makuha ang mga gusto nila kailangan ba nila patayin o siraan ang mga taong nagpapatigil nila ? Panu uunlad ang bansa natin kung ang sarili nating pangulo di taus puso kayang ibigay lahat ng bagay para sa kanyang sa mga taong kanya pinaliligiran . Akala ko ba binalik na ng kanyang nanay na si Corazon Aquino and demokrasya pero bakit tila di pa tayo malayang pumili mismong gobyerno natin ang nagpapakulong sa ating mga karapatan
Maraming taong nagugutom kasama na ang mga Cojuangco gutom sila sa pera sapagkat di nila kaya ibigay ang kanilang pangaakin ay mali sapagkat di pala kanila un na ngako sila na ibabalik nila lahat lahat ng puhunan sa mga magsasaka bago o pagkatapos ng sampung taon pero ilang taon ilang taon na lumilipas tila hanggang salita lamang talaga sila sinabi nila kailangan pirmahan ang papeles o mawawalan sila ng trabaho kaya pinirmahan naman ng mga magsasaka ngunit ano ang napala nila wala dahil para silang iniscam dinaya niloko at pinaasa lamang , sila na nga itong naghihirap tila lalo pa pinahihirapan
Ang batas ay batas bakit di magawang sundin ito ng mga taong nasa itaas kung hindi nila kaya pano pa kaya ang mga taong pinahahawakan nila kung mismo sila walang pakielam kundi pera, pera lamang walang pakielam kung kailangan nilang magpatay o hatakin pababa ang mga kumokontra sa kanila . Ang batas ay ginawa para sundin hindi para magnakaw ng pag aari ng bansa . Sobrang tagal na nitong batas na ito sana ipatupad na nila dahil ito ang nararpat nasan ba talaga ang kapayapaan kung mismo nating lahi di natin matulungan .
Mas aayos ang bansa kung ang mismong namumuno sa atin ay ginagawa ang kanyang trabaho at titino ang bansa kung marunong ang ating Leader or ang ating pinuno na mamuno subalit lagi lang nya ito sinasabi di naman nya ito tinutupad kelang magbabago nakakapagod ng umasa nakakapagod ng mangielam sapagkat kahit ano ang tama di naman nila magawan ng sulusyon nakakasawa na puro nalang pagnanakaw kaya di tayo uunlad .
-Patricia Mari Maclang
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento