Huwebes, Enero 31, 2013

Pagpribado Sektor ng Gobyerno sa mga Hospital


Pagpribado Sektor ng Gobyerno sa  mga Hospital

                              Seryoso di ko maiisip bakit pa to naiisip ng ating gobyerno isipin mo pano ang mga mahihirap mamatay nalang sila kasi di nila kayang bayaran ang mga fees ano ba akala nila na mas mayaman pa ang bansa natin sa englatera? Excuse me maraming mahirap kung 100 daan nga di mabayaran pano pa kaya kung maoospital ka higit sa sampung isang daan ang mapagagastus mo sapagkat mahal na magkasakit sana maintidihan naman ng gobyerno yun , I mean magsusuggest sila na idaan agad sa doctor kung may sakit ng nadadamdaman tapos sila ren magpripribadong sector pano kaya makakapag pang hospital kundi naman mabayaran kasi kung di mo babayaran di ka gagamutin mamatay ka lang din naman . Bansa natin hindi gaya ng ibang bansang malinis o pribado sapagkat palagi maraming dayuhan na pumupunta dito na may dalang sakit at marami ding dumi na naiiwan kaya nagkakasakit . Sa bansa natin di maiiwasang may magkakasakit mahirap man o mayaman sapagkat tao sila kaya dapat lang ipapubliko o dapat gobyerno lang may hawak sapagkat di tayo umuutang sa world bank para kupitin ng mga tao sa malacaƱang kundi para sa taong mahihirap .

                                Kung lahat ng tao ay may kayahang gamutin ang kanilang sarili at bumalik sa kanilang tamang lakas mas lalakas ng ating lakas pagawa . Di kasi maintindihan ng gobyerno ang nararamdaman ng mga taong nasa baba ng ekonimiya di nila maintindihan sapagkat naliligo sila sa kanilang mga salapi . Sana maintindihan nila na di lahat ng tao afford mabuhay minsan nga sabit na sa patalim ee sana kung aayusin nila yan malamang wala ng magnanakaw sapagkat  kaya na nilang gamutin ang mahal nila sa buhay dahil hindi lahat ng magnanakaw ay adik o naka drugs yung iba ginagawa lang nila yun sapagkat okay ng buhay nila kapalit sa bilanguan wag lang mamatayan ng taong mina mahal. Kasi di lahat ng desisyon ng gobyerno nakakabuti sana maintindihan nila LAHAT ng taong pinalilibutan nil asana magpasurvey muna sila di sila lang ung naglalaban sa korte di ba pwede magsama sila ng isang Squater pag nagpapatupad ng batas kasi minsan mas marami pa alam ung Squater na un sapagkat mas marami pa silang naramadaman at naranasan na mapanghas at di patas na bigay ng gobyerno. 

Suliranin sa Agrikultura



Suliranin sa Agrikultura



                    Maraming bagay ang suliranin ng agrikultura , gaya ng mga magsasaka sila ang unang unang rason kaya naglalago ang agrikultura kung wala sila marahil mawawala ang ating agrikultura. Ang agrikultura ay isang parte kung bakit umuunlad ang isang bansa kasi kung mapapansin mo dahil sa mga produkto at mga handicrafts nakilala ang bansa natin sa ibang panig ng mundo kaya dapat bigyan importansya ang mga taong nandito . Hindi ko lang lubusang maintindihan kung sino pa ung maliliit ang sweldong natatangap sila ung maliki kuntribusyon sa pagunlad ng ating bansa samantala kung makikita mo di sila gaanong binibigyang importansya kasi ayon sa mga panibagong mga problema sa gobyerno at mga bagong batas walang gaano binibigay sa magsasaka , bakit kasi makasarili ang mga namumuno sa atin. 

                       Sana mapansin ng gobyerno na maraming natutulong ang magsasaka sa atin sila ang pinaka rason kung bakit tayo may agrikultura .  Parte ren naman ng agrikultura ung ibang mangagawa sa ating bansa maraming tao na mas mataas pa sweldo sapagkat nagkagraduate sila kumpara sa magsasaka pero bakit kailangan ba mababa lang ang sweldo ng magsasaka? Sa ibang bansa alam kung ang magsasaka ang matataas ang sweldo sapagkat sila ang malaking naambag sa ating bansa kahit wala man silang pinagaralan pero doble ang hirap na ginagawa nila araw araw na pamumuhay nila para sa atin. Ako ay kukuha ng professional na trabaho sapagkat may balak ako magcollege kung ako sasabihan na mas mataas sweldo ng magsasaka , okay lang tangap ko sapagkat mahirap na nga pamumuhay nila bakit ba kailangan pa nilang maghirap din sila?
                      
                      Pero lahat ng tao sa bansa ay sanhi ng agrikultura at ekonimiya ng ating bansa kung may kulang o pagkakamali sadyang kulang lang tayo sa kooperasyon sapagkat democratic country tayo marami kasing opinion at ideas kaya mahirap makipag-isip kasi ayon sa aking nakikita maraming taong nag sasalita muna bago magisip parang  wala sa tamang lugar ung lumalabas sa bibig nila dahil marahil maraming taong pansarili lang ang inuuna . 

Biyernes, Enero 18, 2013

Reaction Paper : Realization from the Issue of Hacienda Luisita


Reaction Paper : Realization from the 

Issue of Hacienda Luisita






Di ko maintindihanbakit kung sino pa ang naghihirap siya pa ang lalong pinahihirapan at kung sino na ang mayaman ito pa ung mga taong mapagdamot at masyado silang gahaman at gusto nila sila lang ang madaming pera anu ba problema bakit ba tila napapaikot tayo ng pera. Hindi na ba nila naisip na marami rin ang nagugutom na ung mga magsasaka na yon ilang araw silang nakayoko nagtatanim para sa atin tapos sila ang hindi nila kayang bigyan ng respeto . Kung sa totoo lang sila ang mas mahirap ang ginagawa subalit sila naman ang sinasaktan niloloko at mas pinahihirapan bakit ganun ? sila ang rason kaya nakakakain tayo araw araw tapos sila pa ang niloloko at pinapatay? nasan ang respeto natin sa mga magsasaka ? Nasaan? bakit di natin sila respetuhin kung wala sila ano ang kakainin mo ? kung wala sila sa palagay mo ba kakayanin mo?

Sila ang mga taong dapat binibigay ang kanilang mga gusto unang una sa lahat ang lupang kanilang pagsasakahan at ang trabaho kanilang pinambubuhay sa kanilang sarili at sa mga taong mga mahal nila dahil di iyon para sa kanila di iyon para sa pera na gusto nilang makuha para iyon sa pagkain ng buong bansa para iyon sa mga ibang taong kailangan kumain . Di ba naisip ng mga makasiriling mga Cojuangco na kailangan ng mga magsasaka un para rin sa atin

  Ayon sa aking nalaman sa aking nanay na mapagsarili ang mga  Cojuangco sapagkat wala silang pakielam kung makapatay man sila o kaya naman may masaktan . Ayon sa pinaka latest na balita na pinatangal ni Pangulong Benigno Aquino III na pinatangal niya si Corona sapagkat gusto lang naman ni Corona na ipamahagi ang lupa sa mga taong may nagkakailangan nito pero di ito pinayagan ng ating pangulo . Sana naman magisip ang mga  Cojuangco  kalangan ba nila idaan sa dahas lahat ng bagay para makuha ang mga gusto nila kailangan ba nila patayin o siraan ang mga taong nagpapatigil nila ? Panu uunlad ang bansa natin kung ang sarili nating pangulo di taus puso  kayang ibigay lahat ng bagay para sa kanyang sa mga taong kanya pinaliligiran . Akala ko ba binalik na ng kanyang nanay na si Corazon Aquino and demokrasya pero bakit tila di pa tayo malayang pumili mismong gobyerno natin ang nagpapakulong sa ating mga karapatan     

Maraming taong nagugutom kasama na ang mga  Cojuangco  gutom sila sa pera sapagkat di nila kaya ibigay ang kanilang pangaakin ay mali sapagkat di pala kanila un na ngako sila na ibabalik nila lahat lahat ng puhunan sa mga magsasaka bago o pagkatapos ng sampung taon pero ilang taon ilang taon na lumilipas tila hanggang salita lamang talaga sila sinabi nila kailangan pirmahan ang papeles o mawawalan sila ng trabaho kaya pinirmahan naman ng mga magsasaka ngunit ano ang napala nila wala dahil para silang iniscam dinaya niloko at pinaasa lamang , sila na nga itong naghihirap tila lalo pa pinahihirapan 

Ang batas ay batas bakit di magawang sundin ito ng mga taong nasa itaas kung hindi nila kaya pano pa kaya ang mga taong pinahahawakan nila kung mismo sila walang pakielam kundi pera, pera lamang walang pakielam kung kailangan nilang magpatay o hatakin pababa ang mga kumokontra sa kanila . Ang batas ay ginawa para sundin hindi para magnakaw ng pag aari ng bansa . Sobrang tagal na nitong batas na ito sana ipatupad na nila dahil ito ang nararpat nasan ba talaga ang kapayapaan kung mismo nating lahi di natin matulungan . 

Mas aayos ang bansa kung ang mismong namumuno sa atin ay ginagawa ang kanyang trabaho at titino ang bansa kung marunong ang ating Leader or ang ating pinuno na mamuno subalit lagi lang nya ito sinasabi di naman nya ito tinutupad kelang magbabago nakakapagod ng umasa nakakapagod ng mangielam sapagkat kahit ano ang tama di naman nila magawan ng sulusyon nakakasawa na puro nalang pagnanakaw kaya di tayo uunlad .
-Patricia Mari Maclang